Toxic OFW Traits (some of these I am also guilty of)
Filipino workers are admired all over the world but we need to be aware of our own flaws and toxic traits.
1. Walang pasintabi magtanong ng personal questions sa ibang lahi at sa kapwa Pinoy. There are two questions we should not ask: kung magkano ang sweldo ng isang lalaki at kung ilan taon na ang isang babae. May mga pinoy na minsan ang gaan ng bibig magtanong nung unang question. "Uy dun ka pala nagtatrabaho, magkano sweldo mo dun?" Kung ikaw ang tinatanong, ano isasagot mo?
2. Kung merong walang preno magtanong, meron naman walang preno magyabang nung naipundar sa Pinas. Look, stories can lead to the following: inggit, inis, o awa sa sarili nung nakikinig. Walang masama maging proud sa accomplishments pero be sensitive naman because you are making us feel bad about ourselves lalo na kung wala kaming naipundar tulad mo.
3. Mahilig gawing pulutan ang wala sa umpukan. Chismis alert" wag ninyo naman mababanggit kay ganito, " O di ba, halos lahat ng chismis ganyan ang simula pero sakit na natin na pinaguusapan natin ung wala sa gathering. Kung totoo lang yung nakakagat ang dila pag pinag uusapan, malamang ang dami nang piping Pilipino. Ang tsismis, dapat sa iyo mamamatay.
4. Suplado/Suplada. Kabayan binati kita, nginitian kita not because I want to be intimate with you. We happened to be two people in a foreign land and it just nice to see someone familiar who might be speaking the same language. Kung mukhang basahan yung suot nung kabayan na bumati sa iyo, pwede pa rin naman magsabi ng kamusta o sumagot ng mabuti.
5. Utak talangka. Sobrang talamak na sakit ng pinoy ito lalo na sa ibang bansa. Pag may na accomplish ang kababayan ninyo, i congratulate naman ninyo and wish him well. If it is his moment, ibigay ninyo. Wag ninyo isingit yung sa inyo. Don't steal his thunder ika nga. O wag ninyo hilahin pababa. Dapat positive vibes lang para yung para sa iyo matanggap mo din. Atsaka wag laging blow out ang bukambibig ninyo. Kung gusto nyan mag blow out, magkukusa yan. Wag ninyo pilitin na para bang may access kayo sa bulsa niya. Ok na yung pahaging na beke nemen...
6. Overspending tapos nangungutang sa mga kasama sa trabaho. Medyo mahirap sulatin ang part na ito kasi guilty ako minsan. Pero dapat matuto tayong magbudget para hindi tayo aasa sa iba. Yang mga utang ng mga nasa abroad, minsan pinagmumulan ng gulo yan. Minsan umaabot pa kay Tulfo.
7. Burara at dugyot sa accomodation. Pag shared ang space dapat marunong tayo maglinis ng sarili nating kalat. Wala kayong katulong o alalay kaya dapat responsable. Kailangan pa bang -remind yan?
8. Kampi kampi - Relate ba kayo kung sasabihin ko na pinaka masamang kaaway ang kapwa Pinoy. We hate a lot of toxic traits of expats but we also have our own share of bad traits lalo na yung pag nag aaway away tayo and we form factions. Ang dami na ring mga dating magkaibigan na ngayon ay mortal nang magka away. Sana lang, kung di na mag kaibigan, we don't spill the beans. Igalang ang sikreto ng iba.
9. Mareklamo. May mga OFW na parang hindi nag uulam ng karne kasi araw araw daing siya nang daing. Ang sakit din sa ulo makarinig ng reklamo e hindi k naman tao sa presinto. Puro angst, puro rants, puro problema. Hello, wala bang ibang. Dapat salamat sa Diyos lagi, ALHAMDULILAH!
10. Hindi marunong mag adjust sa kultura ng ibang bansa o kultura ng iba. May mga pasaway na Pilipino na walang paggalang sa kultura o mga pinagbabawal ng bansa kung nasaaan sila. Sobrang toxic yung gumagawa ng bawal tapos umiiyak at humihingi ng tulong pag nakulong. Wala tayo sa Pilipinas kaya matuto tayo sumunod.
Mayroon pa ba ako nalimutan? Comment kayo mga kabayan. Sorry sa mga natamaan.
Comments
Post a Comment