TATAY KO
tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nag pa flashback ang mga alaala mo. masaya, malungkot, lahat. lahat ng kirot, may kurot.
tanda ko nung araw ng flight ko, sabi ko sa u dyan muna kayo sa aprtment ko sa delas alas --pagkasyahin na lang kung anong meron. kahit siksikan kayo sa bahay, pasalamat pa din ako na nakasama kita ng matagal tagal kung hindi pa pumutok ang bulkang Taal. kita ko noon na hirap ka na huminga pero hindi ka nagrereklamo kahit hanggang dumating ang oras mo. habang naroon ka sa bahay ko, alam ko, may mga gusto ka sabihin pero tahimik ka lang at di ko alam binigyan mo pa ang panganay ko ng isang kahang malboro. grabe ka. sigurado ako, hindi na yun malilimutan ni louis kahit kailan sa buhay nya. tay sana proud ka sa akin kahit paano dahil alam ko dati gusto mo na ako pahintuin sa mag-aaral. pero pinilit mo pa din. maraming beses din na tumakbo ako sa u para humingi ng tulong. tanda ko noon, nahuli mo ako nanonood ng tv sa kapitbahay, napalo mo ako at pinauwe pinilit mo ako mag aral sa kusina kahit wala namang assignment. sa isang banda kahit tahimik ka, alam ko na mahal ka namin. alam namin kung anong dapat iluto at panu lutuin para sa u. hindi ko malilimutan yung puting puti ka after maligo at maghilod ng matagal, ang pagmamahal mo sa alaga mong aso at ang pagiging inventor mo. noong bata ako, tanda ko ginupit ko ang lesinsya mo at maraming beses mas malaki ka magbgay ng baon kesa sa inay. pinapatulan mo din yung mga kaklase ko na nangbully sa akin at hinaharangan mo sa daan.
ang hahanap hanapin ko ay yung kung paano mo ako tignan at ang matipid mong mga puna pag nag kukwento ako tungkol sa buhay. dati pag aalis kaming mag anak, lumalabas ka pa sa kalsada para ihatid kami ng tanaw. at ngayon aalis ka, hindi ko ikaw masundan ng tingin man lang. sa tunay may bakasyon ako dapat kung hindi nagka corona. pero wala ako magagawa. hindi ko kaya languyin ang dagat na ganun kalayo. malaking parte ng ako ay ikaw. nasa akin ang pangalan mo at masakit mamaalam sa u sa paraang ito lang na alam ko. salamat ng marami tatay. maririnig ko lagi sa isp ko ung 'hayin, hayin' pag gutom ka na. makakapagpahinga ka na, wala na ang sakit ang lahat ng pait, ang mga galit. dalawin mo ako minsan pero wag yung gulatan. mahal ko ikaw.
Comments
Post a Comment