Fretful

 

nagliligalig ang sikmura ko
dahil natapunan ng asidong
nagpahilo
nakalimot
o nagkunwaring nakalimot
saglit
sandali
pero ngayon ay balik sa simula
head and tail game
paulit ulit

nagliligalig ang utak
di alam kung saan
dito o doon
diyan o dito
sa malinaw o malabo

nagliligalig ang mga insektong
nabulabog ng kaunting bula ng sabon
at lumang trapo
sobra pa sa stigma
sa epidemya
ayaw umalis
nagtago
pero ito andito na naman

kung paano nabago ang buhay
ganun din ang turmoil
hindi kusang mabago
kundi nadala lang ng tawag ng
nakakabulabog na katahimikan
nagliligalig ang puso
habang ang mundo ay nag aalala
kung kelan ako babalik
sa sarili kong huwisyo.

Comments

Popular Posts